Question 1: What if hindi naman ang women or girl student mo ang na-o-oppress kundi lalaki naman po? Halimbawa po cases ng sexual harassment mostly po dun ang cases natin ay sa babae po. What if sa lalaki 'yun mangyari stereotyping pa rin po ba siyang iisipin kung ang alam ng teacher ay kaya namang ipagtanggol ng lalaki 'yung sarili nila?
Answer: Yes! Dapat tinitignan pa din natin although very rare, take note statistically it is very rare, meron, nangyayari din siya. May cases na ang lalaki ang binubugbog nung misis so pwedeng kasuhan ni mister 'yun pero again kapag pumunta si mister sa presinto pagtatawanan siya na sasabihin ng mga pulis "Ano ba 'to lalampa-lampa". Hindi pa din ganun ka gender sensitive 'yung mga pulis natin. But it happens.
Question 2: Meron po tayong University Center for Gender and Development, kapag po ba merong issues like bullying na involve yung gender responsible din po ba ang UCGD dito o yung OSSAS lang po?
Answer: Sa akin kayo unang dumulog kasi primary function siya ng opisina.
Question 3: May mga isyu na po ba na narereport sa office niyo?
Answer: Ayy oo! Pero very rare 'yung nagtutuloy. Pero 'yung pinakanagagawa ko lang ay nagfi-first response ako, kina-counseling ko yung mga bata.